Pambobomba sa Jolo, Sulu, patunay na kailangan ng bansa ang Anti-Terror Law —Pastor ACQ

Pambobomba sa Jolo, Sulu, patunay na kailangan ng bansa ang Anti-Terror Law —Pastor ACQ

INIHAYAG ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang pang-araw-araw na programang Powerline na mahalaga ang Anti-Terror Law sa bansa.

Ani Pastor Apollo, ito ay pinatunayan sa nangyaring dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu kung saan 15 katao ang naitalang nasawi at mahigit 70 indibidwal naman ang sugatan.

“Yan nga ang ginawa ng ating gobyerno ng ating pamamahala, yan nga ang gustong maipasa ng ating Pangulong Duterte sapagkat walang panlaban sa terorismo na batas, walang ngipin ang batas natin. Ang dami naman dito sa atin kinokontra ‘yung terror law, kinokontra… [T]ingan niyo ‘tong nangyayaring ito, may terror law na nga, ito nangyayari pa rin; lalo na kung wala ‘yun, wala tayong ngipin na habulin sila.”

Pastor Apollo C. Quiboloy

Ani Pastor Apollo, hindi dapat kontrahin ng mga tao ang Anti-Terror Law dahil ito ay nagsisilbing pangil ng gobyerno laban sa mga naghahasik ng galit at terorismo sa bansa.

“So, kung sa nangyaring ito, may kapangyarihan yung ating gobyerno para habulin o ayusin ang problemang ito sa paghabol sa mga terorista na gumagawa nito at maisalang sila sa batas na ginawa para dito. Eh, kung wala ito eh nakatali ang kamay ng gobyerno ‘di ba, meron na nga ito pa ang nangyayari, tapos kontra nang kontra naman yung iba.”

Pastor Apollo C. Quiboloy

Kaya naman, hinikayat ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang sambayanang Pilipino na manalangin sa Amang Makapangyarihan upang magkaroon ng proteksyon ang bansa.

“Kaya manalangin tayo sana ang gobyerno natin ay maging malakas upang mapangalagaan ang ating kaayusan at ang ating proteksyon. At manalangin tayo na ang Amang Makapangyarihan ang siyang gumabay sa bansang ito, lalo na sa panahon ng pandemya. Pagkatapos narito pa itong mga terorista. Napakahirap maging presidente ngayon maraming problema ang bansa. Kaya tulungan natin sa pananalangin ang ating pangulo at ang lahat ng mga mapagkakatiwalaan niyang mga kawani na nakapalibot sa kaniya, na hindi lamang gumagamit ng kanilang posisyon para pansarili kundi pagtulong talaga sa kausa ng ating bansa sa pangunguna ng ating pangulo.”

Pastor Apollo C. Quiboloy

Inihayag din ni Pastor Apollo, na patuloy na magtiwala kay Pangulong Duterte sa kabila ng malagim na pangyayari dahil alam ng pangulo ang kanyang ginagawa patungkol sa nasabing insidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.