Pamilya Aquino, nananatiling positibo para kay Kris sa kabila ng nararanasang sakit

Pamilya Aquino, nananatiling positibo para kay Kris sa kabila ng nararanasang sakit

NANINIWALA ang Pamilya Aquino na makaka-recover pa mula sa kaniyang kasalukuyang kondisyon ang aktres na si Kris Aquino.

Sa isang pahayag ng kaniyang pamangkin na si Kiko Aquino Dee, nabibigyan naman ng “the best care” ang aktres kung kaya’t hindi malayo na makaka-recover ito.

Sinabi na ni Kris na mayroon itong cardiomyopathy kung saan nahihirapan na magsuplay ng dugo ang kaniyang puso.

Maliban pa rito ay mayroon pa siyang ilang autoimmune diseases at isa na ang lupus.

Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Kris para sa kaniyang treatment.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble