SUMISIGAW ng katarungan at humihingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng yumaong flight attendant ng Philippine Airlines na si Christine Angelica Dacera na kamakailan ay natagpuang patay sa isang hotel sa Makati City.
Hanggang ngayon masakit para sa Pamilyang Dacera ang pagkamatay ng flight attendant tanging nagbibigay lakas na lamang sa ina ng biktima ay ang mga taong nasa paligid na patuloy na nag-aalok ng tulong.
Para kay Mrs. Dacera, walang karapatan para babuyin at patayin ang nag-iisang anak na babae nito na si Christine lalo na’t itinuturing na isa sa pinakamabait na anak ito.
Ayon naman sa abogado ni Dacerna na si Atty. Roger Reyes, patuloy pa rin ang kaso at imbestigasyon sa naturang insidente pero tumangging munang magbigay ang kampo ni Dacera hinggil sa merits ng kaso hanggat ang inquest ng proceeding ay tapos na.
Sa panayam kay Makati City Police Chief Col. Harold Depositar, batay sa resulta ng kanilang imbestigasyon nagsimula lamang ito sa 4 na magkakaibigan kabilang na si Christine kung saan kumuha sila ng isang kwarto sa hotel.
Sinasabing mag-isa lamang na babae si Christine dahil halos lahat ng mga kasama nito ay mga gay o bakla.
Based in sa imbestigasyon, nag-invite pa ng ibang mga kaibigan ang mga kaibigan ni Christine na hindi kilala ng dalaga na kapwa din nilang mga gay.
Sa ulat, nagsimula ang New Year party ng alas onse y media at may green lights sa Room 209 na ginawang disco room ng magkakaibigan.
Base sa ulat ng SOCO, nakita din doon ang mga nagkalat ng mga bote ng alak sa naturang silid.
Lumalabas sa CCTV camera na dalawang nirentahang kwarto sa hotel kung saan kitang kitang si Christine na palipat lipat lamang ito sa mga naturang kwarto.
Dagdag din ni Depositar nalusutan ang hotel dahil hindi na mo- monitor ng hotel management ang pagdami ng mga taong pumapasok at lumalabas sa kwarto gayong ang iba sa kanila dito ay inimbitahan lamang ng mga kaibigan na nagkita kita sa isang restaurant ng hotel.
Alas onse y media ng umaga nang namalayan ng kaibigan nitong si Ronnel na kapwa cabin crew ,na si Christine ay nasa bathtub pa.
Lumalabas sa autopsy report na aneurysm ang ikinamatay ng biktima ngunit nakitaan naman ito ng laceration sa maselang bahagi ng katawan at mga pasa sa hita at ibang bahagi ng katawan dahilan para makasuhan ng rape w/ homeside ang 11 suspek.
Bukod sa mga bote ng alak at wala namang nakitaan ng droga sa ginawang imbestigasyon sa lugar.