Pamilya Dacera, nagsampa ng kasong administratibo laban sa medico-legal team ng PNP-SPD

NAGSAMPA na ng reklamong administratibo ang pamilya ng namatay na flight attendant na si Christine Angelica Dacera laban medico-legal team ng PNP-SPD.

Ang responsable sa pagsasagawa ng otopsiya sa katawan ni Tintin Dacera pagkatapos ma-embalsamo ang bangkay ng biktima sa pag-embalsamar ng katawan ng biktima nang walang pahintulot ng kanyang pamilya at nang hindi muna nagsagawa ng isang medikal na pagsusuri, o pagkuha ng mahahalagang forensic sample.

Mismong ang mga magulang ni Dacera na sina Sharon at Jose Nestor, ang nakiusap sa internal affairs service ng Philippine National Police na ipatanggal si Sarmiento sa serbisyo nito dahil sa anila’y kapabayaan at kawalan ng kakayahan sa paghahanda ng medicolegal reports sa death certificate ni Dacera.

Ayon pa sa pamilya ni Tintin Dacera, pinangunahan agad ng PNP ang pagpapasya na isang ruptured aortic aneurysm ang ikinamatay ng biktima na hindi anila naisaalang-alang ang iba pang mga kondisyon sa katawan nito, tulad ng mga sugat at pasa.

“As an experienced medico legal examiner for many years with scene of the crime operations, examining probably hundreds of cadavers, elementary common sense requires that a medico legal examination be first conducted on a cadaver before you embalm it,” pahayag laban sa PNP-SPD medicolegal team.

Nauna na ring idiniin ng PNP na isang rape-slay case ang pagkamatay ni Tintin Dacera pero taliwas ito sa lumabas sa medicolegal na ruptured aortic aneurysm ang ikinamatay ng biktima na pinanindigan din nina Makati City Police Chief Col. Harold Depositar and PNP Chief Gen. Debold Sinas, pero hindi naman anila nagtugma sa resulta ng unang otopsiya nito.

Samantala, tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tao na nasa room 2207 na pinuntahan din ni Christine Dacera bago matagpuang patay sa isang hotel sa Makati City.

“We are also asking the persons of interest to come forward and cooperate,” panawagan ni Deputy Director Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI.

Sa ngayon ay hindi pa pinangalanan ng NBI ang 11 personalidad na nasa room 2207.

Ngayong Lunes, 11 katao ang pinadalhan ng NBI ng subpoena na inaasahang pupunta sa tanggapan nito upang magbigay ng testimonya.

Hinihikayat naman ng NBI ang mga natitira pang hinihinalang salarin, magpakita na ito at tulungan ang sarili na linisin ang pangalan ng mga ito.

Pinayuhan ding dalhin ang mga abogado nito kasabay ng pangakong magiging maayos ang pagsasagawa ng kanilang imbestigasyon

“Kung gusto niyong makipag tulungan sa NBI, meron kayong kaalam, you want to clear your names, you can come here with your lawyers. We rest assure you that we will handle the investigation as professionally as we could get,” ayon pa kay Lavin.

Mike, sa naunang press conference ng mga suspek, anila, pinakilala sila sa mga nasa room 2207 ng isa nitong kaibigan na kasama nila sa room 2209.

SMNI NEWS