NAKATANGGAP ng food packs mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang 400 pamilya sa Saranggani Province.
Ito ang mga pamilyang apektado sa pagtama ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao noong Biyernes.
200 pamilya mula sa bayan ng Malapatan at 200 pamilya naman mula sa Brgy. Bula sa General Santos City ang nakatanggap ng food packs nitong Linggo, Nobyembre 19.
Bukod sa food packs, nagbigay rin ang PCSO ng medical aid sa mga sugatan o naospital dahil sa kalamidad sa pamamagitan ng Medical Assistance program nito.
Tiniyak naman ni PCSO General Manager Mel Robles na patuloy na tutulong ang PCSO para sa pagrekober sa mga apektadong komunidad.
Aniya, naglaan na ang PCSO ng calamity funds para sa mga naapektuhan ng kalamidad.