NAGSAMPA na ng kaso ang mga magulang at kapatid ng cinematographer na aksidenteng nabaril at napatay sa set ng Hollywood actor na si Alec Baldwin habang ito ay nasa kalagitnaan ng rehearsal.
Namatay ang cinematographer na si Halyna Hutchins nang pumutok ang hawak na Colt.45 ni Baldwin sa kalagitnaan ng kanilang rehearsals sa New Mexico noong October 2021 samantalang nagamot ang injury ng director nitong si Joel Souza.
Nahaharap na rin sa kasong manslaughter charges ang aktor na si Baldwin pati na ang armorer ng pelikulang si Hannah Gutierez-Reed bago pa man magsampa ng kaso ang pamilya ng pumanaw.
Samantala, patuloy pa ring iginigiit ni Baldwin na wala itong kasalanan sa pagkamatay ni Hutchin at sinabihan siya ng film crew na walang lamang bala ang kanyang baril na ginamit.