TINIYAK ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na makatatanggap ng karampatang tulong ang mga naiwang pamilya ng Pinay na OFW na pinaslang at sinunog sa Kuwait.
Inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration Administrator (OWWA) Arnell Ignacio na inaasikaso na ng OWWA ang insurance ng nasawing OFW na si Jullebee Ranara.
Tatanggap din ng tulong-pinansyal ang mga naiwang pamilya ni Ranara maging ang mga anak nito ay pag-aaralin hanggang makatapos.
Ipinangako ni DMW Sec. Susan Ople na gagawin nila ang lahat para sa hustisya ng OFW.
Matatandaan, kinumpirma ng Kuwait na natagpuan ang labi ng biktima sa Salmi Road na sinunog at napag-alaman na ito ay buntis.