Pamilyang Marcos, kilala na pumapatay ng kalaban sa politika—VP Sara

Pamilyang Marcos, kilala na pumapatay ng kalaban sa politika—VP Sara

MULING ipinaliwanag ni Vice President Sara Duterte kung bakit niya sinabi na mayroon na itong pinagbilinan na papatay kay Bongbong Marcos, Liza Marcos, at Martin Romualdez.

Sinabi rin ng pangalawang pangulo na kilala ang Pamilyang Marcos na pumapatay ng kalaban sa politika.

Ayon kay VP Sara, ang kasaysayan ang magpapatunay na totoo ang kaniyang mga sinasabi, dahilan kung bakit meron na itong binilinan sakaling siya ipapatay.

“Bakit hindi nila pinapalabas kung ano ‘yong question ng media bakit hindi nila pinapalabas kung ano ‘yong una kong sagot, bakit ang pinapalabas lang nila isa, the last what? 4 words of my entire statements,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang inihayag ni VP Sara matapos mapakinggan ang mga reaksiyon ng mga kaibigan at supporter ng Marcos administration kaugnay sa kaniyang pahayag na mayroon nang hitman ang pangalawang pangulo na maghihigante para sa kaniya sakaling siya ay ipapatay.

Matatandaan na sa nasabing komento ni VP Sara nabulabog ang administrasyon dahil nalagay umano sa panganib ang buong bansa.

Sa isang pulong balitaan araw ng Martes, nilinaw ng Bise na hindi niya binanggit ang mga salitang assassination o murder plot, mga salitang krimen na pilit nilalagay sa mga pahayag ng kasalukuyang administrasyon na hindi naman binanggit ni VP Sara sa kaniyang mga press conference.

“Tossing the word assassin, paki check may sinabi ba ako na assassin doon? Wala, so nilalagay nila doon sa narrative nila, assassin at nilalagay nila sa narrative nila murder plot,” ayon pa kay VP Sara.

Dahil dito, dismayado at nahihiya si VP Sara dahil hindi naiintindihan ng administrasyon ang kaniyang naratibo lalo pat’ na nanonood ang buong mundo.

“Common sense should be enough for us to accept that the supposed conditional act of revenge does not constitute to an active threat this is a plan without a flesh ‘pag pinipilit mo sya na active threat sya, isipin nyo ang buong mundo na nanonood ganito ba ang kapasidad ng mga Pilipino na mag-isip? But wala silang pakialam diyan pero ako nahihiya ako na ganito ang kapasidad ng mga tao sa administrasyon,” giit pa ni VP Sara.

Malinaw aniya ang kaniyang pahayag na kung siya ay mamatay ‘yon ay dahil sinadya at may nagpapatay sa kaniya bagay na kaniyang pinaghahandaan.

“Don’t worry about my security, if they kill me, if I die, kapag pinatay ako, kapag namatay ako, in a context of don’t worry about my security so this means pinatay ka di ba? Kasi hindi ka naman mamamatay by heart attack in relation to your security so ‘pag namatay ako I already asked to take revenge these three individuals, so my question now to the administration, is revenge from the grave a crime? I have to die first, they have to kill me first, so now they can’t kill me anymore unless they want to die,” dagdag ng Bise Presidente.

Binigyang-diin din ni VP Sara na kilala ang Pamilyang Marcos sa political persecution o nang-uusig at nanggigipit sa oposisyon kagaya na lamang ang pagpatay umano sa isang kilalang kritiko ng mga Marcos na binaril sa paliparan at gumawa ng mga senaryo na mayroon umanong banta sa seguridad ng bansa.

“The playbook remember they are known for political persecution, they suppressed and oppressed opposition and somebody was assassinated in the airport di ba? They oppressed and suppressed and the people were getting angry, frustrated and what they do they created a scenario that there is national emergency, they set bombs to create a scenario that there is a national emergency and then they assassinated their political enemy so that’s the playbook,” paliwanag ng Bise Presidente.

Ang kasaysayan na rin aniya ang magpapatunay na pinapatay ng mga Marcos ang kanilang mga kalaban.

“We already saw that in history so that is my proof, ang hindi lang po nagawa ni Benigno Aquino Jr. kaya hindi sya naka-revenge, nakahiganti kasi hindi sya nagbilin di ba? Kaya hindi sya nakaganti si Benigno Aquino Jr. kasi hindi sya nakaganti, Benigno Aquino is not Sara Duterte, so ibang tao din sya ibang tao din ako,” ayon pa kay ni VP Sara.

Sa mga susunod na araw, ilalatag ni VP Sara sa publiko ang mga listahan na nagpapatunay o mga pruweba na ang buong gobyerno ay ginagamit upang siraan at patumbahin siya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter