Pampanga Gov. Dennis Pineda, naglaan ng P1-M pabuya sa makapagtuturo sa suspek na bumaril sa abogado ng lalawigan

Pampanga Gov. Dennis Pineda, naglaan ng P1-M pabuya sa makapagtuturo sa suspek na bumaril sa abogado ng lalawigan

KINONDENA ni Pampanga Governor Dennis Delta Pineda ang nangyaring pag-ambush kay Provincial Legal Officer Atty. Gerome Tubig noong Lunes, Abril 17.

Kaugnay nito, inatasan ng gobernador si Pampanga Police Director Col. Levy Hope Basilio na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang at makulong ang mastermind at gunmen sa krimen.

Naglaan naman ng isang milyong pisong pabuya ang gobernador sa sinumang makapagtuturo sa suspek sa pamamaril.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter