TITINGNAN ngayon ni Pasig Mayor Vico Sotto ang posibilidad na maaring gamitin ang pampublikong paaralan bilang COVID-19 vaccination centers.
Ito ang inihayag ni Sotto sa pagbisita ng COVID-19 vaccines CODE team sa Pasig City.
Ani Sotto, maaaring maobserbahan ng publiko ang mga health protocol gaya ng social distancing sa mga paaralan.
Dagda pa ni Sotto, ito ang nakikita niyang lugar na sakto para sa vaccination dahil ito ay may espasyo, mga kwarto at tamang ventilation.
Sa kabila nito, ipapaalam ito ng alkalde sa Department of Education (DepEd).
Patungkol naman sa pagpapabakuna, sinabi ni Sotto na hindi pipilitin ang mga residente ng Pasig ngunit sila ay hinihikayat na magpabakuna.
Pagtitiyak ni Sotto, walang dapat ikatakot ang publiko kung ang isang bakuna ay aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).