INAALAM na ng pamunuan ng Iloilo District Jail ang problema ng mga bilanggo sa loob ng piitan.
Kulang at hindi tamang preparasyon sa pagkain, mahal na benta sa commissary at pagpapalit ng warden.
Ito ang kabilang sa reklamo ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nagprotesta sa Iloilo District Jail sa Barangay Nanga, Pototan, Iloilo.
Ayon kay BJMP Region 6 spokesperson Jairus Dogelio sa nangyaring negosyasyon sa pagitan ng Bureau of Jail Management and Penology.
Iginiit ng mga PDL ang pagsibak sa puwesto kay Jail Chief Inspector Norberto Miciano, Jr.
Sinabi ni Dogelio na base sa kanilang nakalap na impormasyon ang protesta ng mga PDLs ay hindi lamang tungkol sa pagkain sa loob ng piitan.
Kamakailan lamang ay inilipat ang 40 PDLs sa new building na nasa Iloilo District Jail Compound at natatakot ang iba pang inmates na sila rin ay sunod na malilipat duon.
Nabatid na ang naunang inilipat sa new building ay mga itinuturing na high-risk, high-profile, at high-value inmates.