Pamunuan ng MRT-3, tiniyak na kayang i-accommodate ang dadagsa sa libreng sakay

Pamunuan ng MRT-3, tiniyak na kayang i-accommodate ang dadagsa sa libreng sakay

NAKAHANDA ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdami ng pasahero ngayong nagsimula na ang programang ‘Libreng Sakay’ sa naturang linya.

Tiniyak ni MRT-3 General Manager Michael Capati na handa ang linya ng tren na i-accommodate ang mas maraming pasahero sa pagsisimula ng ‘Libreng Sakay’.

Ayon kay Capati, mula sa labinlimang tren nasa dalawampu’t isa na ang tumatakbo ngayon.

Dineploy na rin sa kauna-unang pagkakataon ang dalawang 4-car train set na may kakayahang magserbisyo sa higit 1,500 na pasahero.

Dahil bagong rehabilitated ang mga tren, mas magiging mabilis din ang pagta-transport sa mga pasahero.

Isang buwan ang naturang programa ng MRT na magtatagal hanggang Abril 30.

Malaking tulong ang programa para sa mga pasahero.

Paliwanag nila na kahit papaano raw ay makatitipid na sila ulit ng kaunti lalo na ngayon na walang tigil ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Maliban sa makatitipid ang mga mananakay, malaking tulong din anila ang mga rehabilitated na mga bagon dahil mas maayos at mabilis na silang makapapasok sa kani-kanilang mga trabaho.

BASAHIN: Libreng sakay sa MRT-3, alok ng pamahalaan simula Marso 28 hanggang Abril 30

Follow SMNI News on Twitter