Pamunuan ng UP, hindi naniniwala na may recruitment sa kanilang paaralan

Pamunuan ng UP, hindi naniniwala na may recruitment sa kanilang paaralan

NABABAHALA ngayon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa lumolobong bilang ng mga estudyanteng nare-recruit ng rebeldeng grupong CPP-NPA-NDF.

Inihayag ng senador ang kaniyang pagkabahala sa ginanap na hearing ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, araw ng Martes.

Base sa tala ng Philippine National Police (PNP), mula taong 2014 hanggang taong kasalukuyan umabot na sa mahigit 100 estudyante ang nalinlang ng teroristang komunistang grupo.

Sa nasabing bilang 33 ang nasawi sa operasyon, 42 ang naaresto, at mahigit 90 ang sumuko.

Kaugnay rito, nabanggit din sa naturang hearing ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad na pinamumugaran ng rebeldeng grupo, mga paaralan na hindi ligtas para sa mga walang kamuwang-muwang na kabataan at kabilang dito ang University of the Philippines (UP).

“102 schools or learning institutions ranging from elementary, high school, college or universities been identified were recruitment activities happened shown are the 23 schools out of 102 that have more than 1 recruitment activity. First on the line is Putian National High School, we have also UP Diliman, PUP Manila. Second is UP Diliman Mr. Chair, PUP Manila, UP Manila, UP Tacloban, Dr. Louise Ibaracia National High School, Hacienda Intal Elem. UP Cebu, UP Los Baños, UP Clark, UP Baguio, Bicol University, De La Salle University, Ateneo de Davao,” ayon kay PCol. Randy Araceo, Acting Executive Officer for Directorate for Operations, PNP.

Nang tinanong ni Sen. Dela Rosa ang pamunuan ng UP kung bakit halos lahat sa kanilang paaralan nangyayari ang recruitment, ito ang kanilang naging sagot.

“If indeed the allegations were true senator then it would be a problem,” saad ni Jerwin Agpaoa, Vice Chancellor for Student Affairs, UP Diliman.

Yakap ng Magulang Movement, nais mabuwag ang administrasyon ng UP

Samantala, dismayado naman ang grupong Yakap ng Magulang Movement sa ginawang pagmaang-maangan ng UP kaugnay sa isyu.

Ayon kay Relissa Lucena, founder ng Yakap ng Magulang na pilit aniyang tinatago ng UP ang katotohanan na sa mismong paaralan nila nangyayari ang recruitment ng rebeldeng grupo sa mga inosente at kawawang bata.

“Nakakadismaya dahil ‘yong administration ng UP like ‘yong vice chancellor nila and even ‘yong admin hindi nila mabanggit ‘yong CPP-NPA-NDF despite ‘yong mga nasa harapan nila mga taga-UP mismo, mga graduate ng UP. Pilit po nilang tinatago ‘yong katotohanan na merong recruitment napaka ano sir eh kung titignan nyo pare-parehas kami ng sinabi paulit-ulit na lang tayo,” ayon kay Relissa Lucena, Yakap ng Magulang, Founder.

Kaya para sa kaniya dapat nang buwagin ang administrasyon ng UP upang mahinto ang illegal recruitment at upang maisalba ang mga bata mula sa kamay ng teroristang grupo.

“For me sir dapat mapalitan lahat ng ano administration ng UP napaka-infiltrated ng UP na even sila ‘yong katotohanan, pilit nilang ginagawang kasinungalingan. Paulit-ulit nilang sinasabi na this is mere allegation andito kami, lahat kami patotoo even ‘yong mga UP student na. Hindi ‘yon allegation kasi sila mismo ginawa nila ‘yon sa loob ng school and even part doon mga teachers,” giit ni Lucena.

Para kay Sen. Bato, inatasan na niya ang Commission on Higher Education (CHED) na imbestigahan ang isyu upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga guro na nangunguna sa recruitment.

“Sila pa nagtulak sa kanilang mga estudyante para maging rebelde, ito dapat ma-identify natin itong mga teachers na ito para makasuhan natin talaga,” ani Sen. Dela Rosa.

Sa huli, bagamat aminado ang senador na sa administrasyon ay lumakas muli ang CPP-NPA-NDF hindi aniya siya magpapatinag rito bagkus ipagpapatuloy niya ang imbestigasyon para managot ang mga dapat managot.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble