Panahon ng Amihan, maaaring magsimula sa susunod na linggo

Panahon ng Amihan, maaaring magsimula sa susunod na linggo

MAAARING magsisimula na sa susunod na linggo ang panahon ng Amihan na hudyat ng mas malamig na panahon.

Ayon sa state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), unang mararamdaman ito ng mga taga-hilagang Luzon.

Sa Metro Manila ay mararamdaman ito kung patapos na ang buwan ng Disyembre at papasok na ang buwan ng Enero.

Dagdag pa ng PAGASA, posibleng mas maging maulan ang panahon ng Amihan ngayong taon dahil sa inaasahang La Niña.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble