Panahon ng pangangampanya sa Pilipinas, sobrang mahaba –Prof. Carlos

Panahon ng pangangampanya sa Pilipinas, sobrang mahaba –Prof. Carlos

NAKAKAPAGOD ang mahabang panahon na pangangampanya sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Professor at Political Analyst Clarita Carlos sa panayam ng SMNI News.

Aniya, magastos pa itong pangangampanya at kung sana’y igugol na lang sa pagtulong sa bansa ang campaign funds ng mga politiko, tiyak na naiahon na sa kahirapan ang mga Pilipino.

‘’Alam mo siguro kung ina-adopt mo iyong salapi na ginastos dito, pwede na mahango sa kahirapan iyong 28 million na mahirap. Sayang ang panahon at energy na ginugol nila sa kampanya nagtanim sila ng kawayan at puno di daming puno iyon di ba?’’ ayon kay Prof. Carlos.

Samantala, hindi matitiyak ng isang kandidato na kasamang lilipat ang supporters nito sakaling magbibitiw sya sa kanyang kandidatura at susuportahan ang iba.

Ayon kay Carlos, hindi bobo ang mga botante.

Kaugnay ito sa pagkokonsidera ni vice presidential candidate Lito Atienza na umatras sa kanyang kandidatura at isinusulong ang Manny Pacquiao-Tito Sotto tandem ngayong halalan.

Kasabay pa nito ang kanyang panghihikayat kay presidential candidate Ping Lacson, ang orihinal na ka-tandem ni Sotto, na umatras na rin.

‘’Well the challenge is that kunyari mag-withdraw iyong candidate wala ka namang assurance na ang kanilang previous supporters magma-migrate sa i-endorse doon sa candidate na iyon. Everybody is an independent and autonomous individual. Hawak ka ba sa ilong ng kandidato mo? Unless wala kang isip di ba? Walang automaticity na magma-migrate ng i-suporta ng kandidato, mag withdraw ako in favor of blank. Ano ba akala mo sa supporters mo gago?’’ paliwanag nito.


Follow SMNI NEWS in Twitter