Panalo ni Mark Tokong sa La Union Int’l Surfing 2024, inialay sa bansa, pamilya

Panalo ni Mark Tokong sa La Union Int’l Surfing 2024, inialay sa bansa, pamilya

INIALAY ng Pinoy surfer na si Mark Tokong para sa bansa at sa kaniyang pamilya ang naging panalo nito sa men’s shortboard event ng 2024 La Union International Pro World Surf League (WSL) qualifying series nitong Enero 25, 2024.

Ayon sa taga-Siargao na surfer, magagaling ang surfers ng ibang bansa gaya ng Japan, Indonesia, at iba pa ngunit sa kabila nito, dahil sa suporta na kaniyang nakita mula sa kababayang mga Pilipino ay itinuon niya ang kaniyang layunin na manalo mula sa kompetisyon.

Sa nabanggit na event, nakakuha ng 17.90 total points si Mark Tokong.

Samantala, noong 2023, si Tokong ang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa qualifying matches para sa 2023 WSL Challenger Series.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter