NAGKAROON ng on-site inspection ang Governance Commission for GOCCs sa mga pasilidad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Lunes ng umaga.
Ito’y matapos ang nangyaring aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals nitong nakaraang New Year.
Hawak ng Governance Commission ang superbisyon sa CAAP na isang GOCC.
“Well, I must tell you na as an agency under our coverage, they are very open, very transparent. We were led through the entire process of it from the control room, we went to the equipment room, to the VSAT no? So the entire facility was shown to us, so up to this time they are cooperative and willing to share all the information that the GCC wanted to know,” saad ni Gideon DV Mortel, Commissioner, GCG.
Mahigit 60,000 pasahero ang naapektuhan sa nangyaring technical glitch sa Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system ng CAAP.
Ang resulta, ilang oras na naparalisa ang airspace ng Pilipinas.
Nauna nang sinabi ng Department of Transportation na ang pagpalya ng uninterruptible power supply o UPS ng CAAP ang dahilan ng aberya.
Naghahanda naman ngayon ang CAAP sa imbestigasyon ng Kamara at Senado sa nangyari sa NAIA.
Sa araw ng Martes, Enero 10, ang Kamara ang mauunang mag-imbestiga.
At ayon sa ahensya, idudulog nila ang kakulangan ng government subsidy o pondo para mapa-improve ang sistema nila sa airport.
“As of this time, we don’t have any indication of a subsidy from the National Government. So hopefully we can still be given,” ayon naman kay Manuel Tamayo, Director General, CAAP.
“We will apply for some dispensation from the dividend remittance law. There is a law that requires all GOCCs to remit a percentage of their earnings, I believe 20% of their earnings to the national government. Instead of doing that, we will ask for dispensation so that CAAP and other GOCCs that need the funds can use that money to make the improvements and modernization of their assets,” ang pahayag naman ni Roberto Lim, Usec for Aviation, DOTr.
Bukod sa improvement sa Air Traffic Management, budget din ang kailangan para hindi magsi-alisan ang air traffic controllers at expert technicians ng CAAP.
Pinipirata raw kasi ng foreign companies ang mga ito dahil sa maliit din na sahod sa bansa.
Kaya, pondo raw sana ang kailangan.
Sa anggulo kung sinabotahe o di kaya ay na-hack o biktima ng cyberattacks ang NAIA?
Narito ang sagot ng CAAP.
“In cooperation with the NSA, the DICT, who else? National Defense? They are all here. And that was one of the things that were assessed and ang konklusyon so far based on what we have found out, the investigation is still going on, troubleshooting is still going on kahit na umaandar na to at the onset, ang sabi nila mukha namang walang sabotage o cybersecurity,” dagdag ni Tamayo.
Matatandaan namang pumalag ang kampo ni dating Transportation Secretary Art Tugade sa pahayag ng pamunuan ng DOTr kasunod ng nangyaring aberya sa NAIA noong Enero 1.
Napabalita kasi na sinabi ng kasalukuyang DOTr na outdated na ang kasalukuyang Air Traffic System na binili pa sa panahon ng Duterte administration noong 2018.
Iginiit ng dating DOTr admin na si DG Tamayo na dating Usec. for Aviation ni Tugade sa nagdaang Duterte administration ang nag-rekomenda sa kasalukuyang CNS/ATM system.
Wala namang pahayag sa isyu si Tamayo.
Wala namang sagot ang director general ng CAAP sa mga panawagan na siya ay mag-resign sa pwesto dahil ito ang nagsisilbi sa ilalim ng direktiba ng DOTr chief at ng Pangulo ng bansa.