ANG political vlogger na si Maharlika ang nagsiwalat ng video nang umano’y pagsinghot ng isang lalaki na kamukha ni Bongbong Marcos Jr. ng white powdery substance.
Sa isang panayam, ipinakita na rin ng vlogger sa publiko ang authentication document ng naturang video bilang patunay na hindi ito deepfake taliwas sa sinasabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND).
“But one thing na malinaw ay ‘yong video na ‘yon ay hindi siya tampered or altered and your proof to that is? Anong level of authentication ‘yan?”
“So, actually, as I explained sa vlog ko, ‘yong audio ina-nalyze din ng forensic which meron talagang audio pero hindi lang siya audible and doon sa analysis, apat na video analysis ang ginamit niya,” ayon kay Ms. Maharlika, Political Vlogger.
Matatandaan na sa araw ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr. noong Hulyo 22, 2024 nang unang inilabas ang naturang video na kaagad ring nag-viral.
Ngunit bago pa man nito ay may nauna nang mga testigo na makapagsasabing gumagamit ng ilegal na droga si BBM.
Una na rito ang dating senador na si Nikki Coseteng at si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sinundan pa ni Cathy Binag.
Kaya naman kinuwestiyon ngayon ni Epanaw Sambayanan, National Coordinator Atty. Marlon Bosantog ang mga mambabatas sa Senado at Kamara kung bakit hindi pa sila nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay rito dahil meron naman silang kapangyarihan na ipa-subpoena ang mga taong nagsalita na lulong umano si Marcos Jr. sa cocaine.
“Simple lang naman sa young guns ngayon sa Congress, you have the power of subpoena na tinatawag to compel witnesses to attend your hearing to bring documents.”
“Why not ipa-subpoena mo si Cathy Binag, si Nikki Coseteng, si former President (Rodrigo Duterte), si (Ex-PDEA agent Jonathan) Morales and all these people who have personal knowledge regarding utility and usage of the president of cocaine?”
“Bakit hindi ninyo gawin ‘yon because this is a matter of public issue?” pahayag ni Atty. Marlon Bosantog, National Coordinator, Epanaw Sambayanan.
Kaugnay rito, para kay Dr. Lorraine Badoy na dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), malinaw na ang pananahimik ni BBM ay patunay na totoo at hindi deepfake o hindi gawa-gawa ang mga isyu na ibinabato laban sa kaniya.
“Almost these hullabaloo about this cocaine video, if you are real president, you would go out there and stop all of it by having the drug test.”
“The refusal of this president- to have a follicle drug test- is the best evidence that this is authentic and again worst of his drug addiction,” ayon kay Dr. Lorraine Badoy, Former Spokesperson, NTF-ELCAC.