Pananatili o pagbuwag sa IATF, nasa desisyon ni PBBM

Pananatili o pagbuwag sa IATF, nasa desisyon ni PBBM

MAAARING manatili pa rin pero hindi maiaalis ang posibilidad na buwagin na ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang IATF  ay binuo noong 2014 sa pamamagitan ng executive order ng noon ay Pangulong Noynoy Aquino.

Kaugnay nito ay ipinagpatuloy o pinanatili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang IATF na siya namang tumutok sa sitwasyon ng COVID-19.

Samantala bilang chairman ng IATF ay may kapangyarihan aniya ang magiging bagong secretary ng Department of Health para tukuyin kung kinakailangan pa bang magpulong ang IATF.

Nasa mandato aniya ng susunod na administrasyon kung ipagpapatuloy o kung bubuwagin na ba ang Inter-Agency Task Force.

Follow SMNI NEWS in Twitter