INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na malaki ang posibilidad na lubhang mapinsala ng Bagyong Betty ang mga pananim ng mga magsasaka sa 4 na rehiyon sa bansa.
Ayon sa ahensiya, kabilang dito ang Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa projection ng DA, posibleng maapektuhan ang 234,145 ektarya ng palayan at maisan.
Gayunpaman, tiniyak ng DA na nakahanda ang iba’t ibang interbensiyon para sa mga maapektuhang magsasaka.
Nakahanda ang ibibigay na binhi ng palay, mais, gulay, at gamot para sa mga alagang hayop.
Kasama rin ang Survival and Recovery (SURE) Loan program mula sa Agricultural Credit Policy Council.
Maaaring makautang ang benepisyaryo ng hanggang P25-K na babayaran sa loob ng 3 taon ng walang interes.
Bukod dito, ang quick response fund para sa rehabilitasyon ng affected areas.