Panawagan kontra ‘proxy war’ ng Amerika sa Pilipinas, sinimulan na

Panawagan kontra ‘proxy war’ ng Amerika sa Pilipinas, sinimulan na

AMINADO ang Koalisyon ng Mamamayan Kontra Giyera (KMKG) na personal interes ng Marcos administration ang dahilan ng pakikipagkaibigan nito sa Amerika at hindi ang interes ng mamamayang Pilipino, ang ‘NO TO US-BBM PROXY WAR’ ay sinisimulan nang ipinapanawagan ng mamamayang Pilipino hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Kaya naman sigaw ng KMKG sa isang forum ay ang ‘NO TO US-BBM PROXY WAR’ sa lungsod ng Quezon, araw ng Miyerkules.

Kasama rin sa lumahok sina Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Peter “Ka Ramon” Mutuc, Dating NTF-ELCAC Usec. Lorraine Badoy, Dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at iba pang personalidad.

Para sa kanila, interes kasi ng Amerika at hindi interes ng mamamayang Pilipino ang pangunahing tinututukan ng kasalukuyang administrasyon kung bakit may lihim na sabwatan si Pangulong Marcos at Amerika.

 

Kasama rin sa panawagan ng grupo na itigil na ang umiiral na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na umiiral sa Pilipinas.

Maging ang ibang mga dating rebelde na sumisigaw na ibagsak ang imperyalismo ng Amerika ay pinaniniwalaan na naging kasabwat na rin sa isinusulong na proxy war sa Pilipinas.

Pinangangambahan din ng grupo na maaaring nasa estado na ang Pilipinas ng ‘Proxy War kaugnay ng girian sa pagitan ng China at Taiwan.

Ito nga’y matapos umano silang makatanggap ng balita na palihim na dumarating ang missiles at ilang kagamitang pang giyera sa bandang Region 1.

 

Samantala, mahigit 100 indibidwal ng Koalisyon ang pumirma sa manifesto kontra giyera.

Target ding gawin ang signing ceremony sa mga paaralan, at iba’t iba pang komunidad sa Pilipinas at sa labas ng bansa at maaari ding gawin ang paglagda online.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble