NAGHAIN ng apela o motion for reconsideration si dating congressman Egay Erice sa COMELEC EnBanc matapos siyang diskwalipikahin ng COMELEC 2nd division sa pagkatakbo bilang kongresista ng 2nd District ng Caloocan City.
Pero ang hirit niya, mag-inhibit na rin ang 6 na komisyuner sa kaniyang disqualification case.
Una nang nag-inhibit si COMELEC Cairman Atty. George Garcia sa kaso.
Sinabing wala sa katwiran ang hirit ni Erice.
Hirit pa ni Garcia, hindi dapat manisi si Erice matapos siyang idiskwalipika ng 2nd Division gayong ito ang hindi nagpadala ng sagot sa dibisyon.
Ayon kay Garcia, nasa kamay na ng 6 na kumisyuer na miyembro ng COMELEC EnBanc ang tadhana ng DQ Case ni Erice dahil ang COMELEC chief una na ngang nag-inhibit sa kaso.
Maari daw lumabas ang desisyon dito ng COMELEC EnBanc bago o pagkatapos ma-imprenta ang mga balota.
Samantala, nagsagawa naman ng nationwide roadshow at demonstration ang COMELEC para sa makinarya o automated counting machines na gagamitin sa National at Local Election maging sa eleksyon sa BARMM.
Ito ay para maging pamilyar at maging sapat ang kaalaman ng mga botante sa bagong makinang gagamitin sa halalan.
Hanggang January 30, 2025 ang demonstration na bahagi ng programa ng komisyon para sa Voter’s Education.
Sa bahagi ng Maynila, pinangunahan ni COMELEC Chair Atty. George Garcia ang demo sa Manila High School na nilahukan ng mga botante mula sa ilang barangay sa lungsod.
Sa bahagi ng Mindanao, may makina raw na nag-malfuntion.
Samantala, pagdating sa botohan, ayon kay Garcia mas makabubuti sa botante na magdala ng sariling kodigo para sa mga kandidatong gusto nitong boto at upang hindi magkamali sa pagbibilog ng mga balota.
Ayon kay Garcia, kapag lumagpas sa 12 ang naiboto ng isang botante sa senatorial position ay magiging invalid na ang kabuuang boto nito sa naturang posisyon.