Panawagan na magbitiw si DOJ Chief Remulla kasunod ng pagkakaaresto sa kanyang anak, walang basehan –PBBM

Panawagan na magbitiw si DOJ Chief Remulla kasunod ng pagkakaaresto sa kanyang anak, walang basehan –PBBM

WALANG basehan ang mga panawagan na magbitiw si Department of Justice Secretary Boying Remulla.

Ito ang tingin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasunod ng pagkakaaresto sa panganay na anak ni Remulla matapos makuhanan ng mahigit P1.3 milyong halaga ng kush o high grade marijuana.

Ayon kay Pangulong Marcos, maaring ipanawagan ang pagbibitiw kung ang isang tao ay hindi ginagawa nang maayos o may ginagawang kalokohan sa kanyang trabaho.

Kahapon nang kumpirmahin ni Remulla na anak niya ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Las Piñas City noong Martes, Oktubre 11, 2022.

Siniguro naman ng kalihim na hindi siya makikiaalam sa kaso ng anak na si Juanito Jose Diaz Remulla III.

Follow SMNI NEWS in Twitter