NANAWAGAN sa ‘Laban Kasama Ang Bayan Prayer Rally’ ang elderly advocate na si Nieljay Matunding sa dalawang kapulungan ng Kongreso na aprubahan na ang House Bill 4696 at Senate Bill 582 o ang Anti-Elderly Abuse Act.
Si former Presidential son at Davao City Rep. Pulong ang main author ng panukala sa Kamara.
Mula pa sa Don Carlos, Bukidnon sa Mindanao ang 22-anyos na si Matunding ay nagbiyahe papuntang Maynila sakay ng kaniyang pedicab dala ang kaniyang krusada sa mga nakatatanda.
Umaasa naman ito na mapapansin ng Kongreso ang kaniyang panawagan sa pagdalo nito sa prayer rally.