Panawagan ng mga taga-Boracay sa mga tumatakbo sa senado: “Ayusin ang Pilipinas”

Panawagan ng mga taga-Boracay sa mga tumatakbo sa senado: “Ayusin ang Pilipinas”

ISA sa pinakamagandang lugar ng Pilipinas ang Isla ng Boracay ngunit sa kabila ng ganda nito ay may tahimik at matinding panawagan ang mga tao sa lugar, ang ayusin ang bansang Pilipinas.

Hindi lang tungkol sa droga o kahirapan, kundi sa mas malalim na sugat ng lipunan dulot ng korapsyon, kawalan ng hustisya, at pangangailangan ng tunay na liderato.

Sa nasabing Isla, simple lang ang nais ng mga kababayan—ang maisaayos ang bansa at matugunan ang mga matagal nang isyung kinakaharap ng sambayanan.

Isa sa kanila si Desiree Segovia, pangulo ng Federation of Women Associations in Boracay and Malay.

“Unang una po ang problema sa droga kasi noong panahon ni Duterte, ramdam na ramdam namin, especially kaming mga kababaihan, na safe kami from where we are and where we are going. Safe na safe kami dahil alam namin ang mga drug addicts takot na gumawa ng karumaldumal na krimen,” pahayag ni Desiree Segovia, President, Federation of Women Associations, Boracay and Malay,

Si Annie Sangarios, na 2 dekada nang naninirahan sa Boracay, ay naniniwala na dapat ding masawata ang korapsyon sa gobyerno.

“Ang dapat ayusin sa ating Pilipinas, sa bansang Pilipinas, ang corruption,” ayon naman kay Annie Sangarios, Residente, Boracay

Si Marilyn Rosales, na 15-taon nang naninirahan sa Boracay, ay ganito rin ang pananaw.

“Kailangan po zero corruption kasi, ‘pag corrupt ang namumuno sa atin, walang mangyayari sa atin. Gutom tayo,” ani Marilyn Rosales, Residente, Boracay.

Si Aileen Monteron naman, na tubong Mindanao at 20-taon nang nakatira sa Boracay, ay binigyang-diin ang kahalagahan ng kapayapaan at katatagan sa bansa.

“Una, kriminalidad, kahirapan at korapsyon. Dahil sa ngayon po, akala po namin noon na patuloy ‘yung plano ni Pres. Duterte, pero kami ay nabigo,” ayon pa kay Aileen Monteron, Residente, Boracay.

Dahil dito, umaasa ang mga taga-Boracay na sa darating na midterm election, maihahalal ang mga lider na tunay na magbibigay ng solusyon sa mga problemang ito.

Isa sa kanilang sinusuportahan ay si Pastor Apollo C. Quiboloy, na ang pangunahing adbokasiya ay zero corruption.

“Pastor Quiboloy, of course, he grew a very strong religious group and that is something very impressive kay Pastor Quiboloy,” pahayag ni Desiree Segovia tungkol.

“Ang masasabi ko kay Pastor Quiboloy, nung dalaga pa ako, supporter na ako ni Pastor Apollo Quiboloy. Kaya alam ko na rin ang mga ginawa niya na magaganda,” ayon naman kay Marilyn Rosales.

May payo naman si Aileen para sa mga humuhusga kay Pastor Apollo Quiboloy dahil sa mga alegasyong ibinabato laban sa Butihing Pastor.

“Siya naman ay hindi pa nahahatulan, at hindi naman lahat ng binabato sa kaniya ay mali. Marami naman siyang natulungan,” ayon kay Aileen Monteron.

Nakiisa ang daan-daang supporters ni Pastor Apollo C. Quiboloy at Duterte-endorsed senatorial candidates sa Boracay. Sila ay bahagi ng isang malawakang pagkilos na isinagawa sa Davao City bilang pagpapakita ng suporta para sa pagbabago ng bansang Pilipipnas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble