Panawagan ni Bong Go sa bagong PhilHealth president: Tuparin mo ang mga pangako ng pinalitan mo

Panawagan ni Bong Go sa bagong PhilHealth president: Tuparin mo ang mga pangako ng pinalitan mo

HINDI na mahalaga para kay Senator Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health kung sinuman ang uupong presidente at CEO ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ang mas importante para sa senador ay tuparin ng PhilHealth ang mga ipinangako nitong reporma, pagpapaganda ng serbisyo, at pagtataas ng benepisyo para sa mga Pilipino.

Sinabi ito ni Senator Go kasunod ng pagkakatalaga kay Dr. Edwin Mercado bilang bagong pinuno ng PhilHealth.

Umaasa ang butihing senador na ang pagiging doktor ni Mercado ay makatutulong sa pagsasaayos ng PhilHealth lalo na’t zero budget ang tinanggap ng ahensiya ngayong taon.

Dagdag pa ni Senator Go, kahit sino pang italaga bilang PhilHealth president, hindi aniya tatantanan ang ahensiya lalo na ang mga pangakong reporma na iniwan ng dating administrasyon nito.

Matatandaang sa mga pagdinig ng komite ng senador, nabulgar ang P500B na reserve fund ng PhilHealth.

Muling panawagan ni Senator Go, hindi dapat patulugin at hayaan naka-tengga lamang ang bilyon-bilyong pisong pondo.

Dapat ay mag-isip ng iba’t ibang programa at benepisyo ang PhilHealth para mapakinabangan ng mga pasyenteng Pilipino ang napakalaking pondo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble