Panawagan para sa RevGov, dedmahin – DND, Malakanyang

Panawagan para sa RevGov, dedmahin – DND, Malakanyang

MULI na namang nabuhay ang pagsusulong ng Revolutionary Government (RevGov) ilang buwan bago maghalalan.

Ito ay matapos na magsagawa ng aktibidad ang mga sumusuporta nito sa People Power Monument sa EDSA para ipagprotesta ang katiwalian sa Commission on Elections (COMELEC) at ang isyu sa Smartmatic na may kaugnayan sa paparating na halalan.

Kabilang sa nanguna sa protesta si retired Lt. General Antonio Parlade.

Aniya kung hindi maaayos ang bulok na sistema ng halalan ay baka sa RevGov ang patutunguhan nito.

“This is our situation now. It’s up to you tingnan nyo kung ano ang solusyon na dapat. Is it RevGov and you say so, so be it. But incidentally we still have the constitution. We believe in the constitution supposed to be, we believe in the rule of law supposed to be but dapat gumana ang mga ‘to. Pero kung hindi niya kayang tapusin ‘yung korupsiyon sa COMELEC, what will you do? Hanggang ganito na lang tayo interview, interview, bolahan  tayo, no, we have to do something. So, this is what we are saying,” pahayag ni Parlade.

“I think the protest here is the performance of the COMELEC so far especially ‘yung latest na isyu about the printing of ballots. Alam naman natin lahat ng procedure doon dapat may mga witnesses, bakit ginawa nila almost patapos na yung mga pag-iimprenta walang nagbabantay, nagmamasid na nagre-review. So, it’s a very suspicious,” ayon naman kay Herman “Ka Mentong” Laurel.

“I’m supporting the criticism of the COMELEC, the threat of the Revolutionary Government kung hindi sila mag-ayos at masira ang eleksyon natin,” dagdag ni Ka Mentong.

Pero para sa mga high-ranking officials sa PNP at Department of National Defense (DND) dapat dedmahin ang nasabing panawagan.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DND Secretary Delfin Lorenzana na inatasan na nito ang AFP na huwag pansinin si Parlade na dating commander ng Southern Luzon Command at tagapagsalita ng NTF-ELCAC.

 “Action taken: directed the AFP to ignore him, not listen to him,” atas ni Lorenzana sa AFP.

Ayon naman sa Malacañang, ang pagsusulong ni Parlade ng RevGov ay parte ng kaniyang freedom of expression pero aniya gaya ng payo ni Lorenzana ay mas mainam na dedmahin na lang ito.

“Retired General Antonio Parlade’s call for a Revolutionary Government is part of his guaranteed freedom of speech and expression. However, as Defense Secretary Delfin Lorenzana directed the Armed Forces of the Philippines, the retired general’s call is better left ignored,” pahayag ni Andanar.

 

RevGov malabong suportahan ng taumbayan – Dela Rosa

Maging si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, dating PNP Chief, nagsabi na walang mabigat na dahilan para isulong ang RevGov ngayon.

“Wala pang magandang justification para magkaroon ng Revolutionary Government. In fact, hindi natin alam ang kanilang nilalayon. Yong layunin  para manatili si Pangulong Duterte sa pwesto ay di pa natin sigurado. Yan ba ay aprubado ni Pangulong Duterte. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay gustong gusto na umalis sa pwesto,” ayon pa kay Dela Rosa.

Maliban dito sinabi ni Dela Rosa na malabong suportahan ng nakararami ang RevGov dahil hindi naman ito naayon sa batas.

“That is illegal and unconstitutional. Whatever processes that are unconstitutional ay medyo malayo yan makagain ng suporta mula sa karamihan,” dagdag ni Dela Rosa.

Hindi rin kinilala ng PNP ang posibilidad ng pagkakaroon ng RevGov.

“We will respect everybody’s opinion, stand at the end of the day we will follow what is based on the law,” pahayag ni PNP Chief Dionardo Carlos.

Follow SMNI News on Twitter