Panawagang Constitutional Convention para amyendahan ang 1987 Constitution, umaani ng suporta sa LGUs

Panawagang Constitutional Convention para amyendahan ang 1987 Constitution, umaani ng suporta sa LGUs

UMAANI ng suporta mula sa local government units (LGUs) ang panawagang magkaroon ng Constitutional Convention (Con-Con) para amyendahan ang Saligang Batas.

Pinakahuling nagbigay suporta sa Con-Con initiative ng Pilipino Tayo Movement (PTM) ay si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Kamakailan ay nagpulong ang mga kinatawan ng PTM at si Mayor Magalong para sa proposed Con-Con.

Sa Con-Con, taumbayan ang boboto ng mga uupo para aralin at baguhin ang Saligang Batas.

Handa naman si Magalong na pangunahan ang diskusyon ng Con-Con sa Baguio at ipaliwanag mismo kung ano ang Con-Con.

Patuloy ring iikot ang PTM sa buong bansa ayon kay Pilipino Tayo Lead Convenor at former PACC Chief Greco Belgica.

Kasama ni Belgica sa movement sina dating Sen. Gringo Honasan, Sen. Robin Padilla, dating Cong. Mike Defensor, at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble