Panawagang ibasura ang ROTC Bill, desperate move ng makakaliwa—Sen. Dela Rosa

Panawagang ibasura ang ROTC Bill, desperate move ng makakaliwa—Sen. Dela Rosa

DESPERATE move ng mga makakaliwa, ang naging pahayag ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa kasunod sa panawagang ibasura ang isinusulong na Reserve Officers’ Training Corps Program (ROTC) Bill matapos ang insidente ng pagkamatay ng isang Adamson student dahil sa hazing.

Sinabi nito na wala namang koneksyon ang ROTC training sa pagkamatay ng nasabing estudyante.

Sinigundahan naman ito ni Sen. Sherwin Gatchalian at aniya, layon ng ROTC na disiplinahin at turuan ang mga kabataan kung paano maging mabuting mamamayan.

Kabilang naman sa humaharang sa naturang panukala ay sina Sen. Risa Hontiveros at Senate Minority Leader Koko Pimentel.

Follow SMNI NEWS in Twitter