Pandemya, magtatapos sa unang bahagi ng taong 2022 —WHO

NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) Regional Director for Europe na magtatapos ang pandemya ng coronavirus sa unang bahagi ng taong 2022.

Ayon kay Hans Kluge na lalaganap pa rin ang COVID-19 sa 2021 ngunit mas mapangangasiwaan na ito kaysa noong nakaraang 2020.

Aniya, tapos na ang mga malalang senaryo at marami nang impormasyon kaugnay sa virus kumpara noong 2020 nang magsimula ang paglaganap nito.

Gayunpaman ay diniin ni Kluge na walang sinumang nakaaalam sa hinaharap ng COVID-19 pandemic.

“There will continue to be a virus, but I don’t think restrictions will be needed. This is an optimistic message,” aniya pa.

Dagdag aniya, na mahigpit ang pagmonitor ng WHO sa epektibo ng mga vaccines na nagawa laban sa COVID-19 dahil sa mabilis na paglaganap ng mga uri ng virus.

Aniya pa, maaaring baguhin ang mga bakuna base sa mga bagong mutasyon at hindi na kailangan pang gumawa ng panibagong bakuna mula sa umpisa.

SMNI NEWS