Pang-aabuso sa mga OFWs umabot sa 5,000 na kaso

Pang-aabuso sa mga OFWs umabot sa 5,000 na kaso ang naitala sa taong 2020. Naitala ang nasa halos 5,000 kaso ng pangmamaltrato sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa taong 2020 base sa isang datos na iprinisenta sa Senate Labor Committee hearing ngayong araw.

Ipinakita ni senator Joel Villanueva na siyang Chair of the Committee ang mga datos mula sa Philippine Overseas Labor Officers (POLOS), Pang-aabuso sa mga OFWs  sa Middle East pa lamang ay nakapag tala na ng 4,302 na kaso ng panga-abuso noong nakaraang taon.
Nasa 593 na kaso naman ng pangma-maltrato ang naaitala sa Asia habang 86 na insidente ang naiulat sa Europa at Amerika.

Isinama din ng POLO ang bilang ng contract violations na ginawa laban sa mga OFWs, na nasa 23,714 na karamihan din ay mula sa Middle Eastern Countires.

Sinabi naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Lou Arriola, ginagawa na ng mga bansa sa Middle East ang parte nito upang magkaroon ng reporma sa Labor Law nito.

Kung ating matatandaan isa sa biktima sa pang- aabuso si Jenifer Dalquez  isang OFW na nakulong sa United Arab Emirates 2014 sa administrasyon ni  Aquino. Siya ay na sistensyahan sa parusang bitay dahil sa pagpatay niya sa kanyang amo dulot ng kanyang pagtutol nito na makipag talik, Ngunit sa panahon ng administrasyon ni pangulong Duterte kanyang binalaan ang UAE.

Jenifer Dalquez  isang OFW na nakulong sa United Arab Emirates
Jenifer Dalquez  isang OFW na nakulong sa United Arab Emirates

“If you execute her, I will pull out every Filipino in your country. Every one needs to be protected. It is my duty to protect them all.” 

“I respect your Justice System. But I feel that if you hang my countrymen, then I will just declare a total Deployment Ban for the entire United Arab Emirates.” pahayag ng pangulo.

SMNI NEWS