Pang-aatake ng Israeli forces sa isang convoy ng UN, kinondena ng organisasyon

Pang-aatake ng Israeli forces sa isang convoy ng UN, kinondena ng organisasyon

KINONDENA ng United Nations-World Food Programme ang Israeli Forces matapos pinaputukan ng mga ito ang isa sa tatlong mga sasakyang naka-convoy ng UN sa Gaza.

Nitong Linggo, Enero 5, 2025 nang mangyari ang insidente.

Bagamat walang staff members na nasawi, 16 na bala ang tumama sa sasakyan.

Sa panig ng Israeli military, titingnan anila ang napaulat na insidente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter