Pang. Duterte, isasailalim sa swab test bago mag-umpisa ang ikalimang SONA nito

Pang. Duterte, isasailalim sa swab test bago mag-umpisa ang ikalimang SONA nito

WoodProfit

 

SASAILALIM si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa RT-PCR Covid-19 test o swab test bago ang Ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 27.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary  Harry Roque, nais makatiyak ni Pangulong Duterte na negatibo ito sa COVID-19 bago ang kanyang SONA.

 

Inilahad pa ni Roque na lahat ng papasok sa Batasan ay sasailalim sa PCR testing sa araw ng Linggo habang ang nasa grounds ng Batasan ay ira-rapid test para sa COVID-19.

 

Samantala, wala pang detalye ang Palasyo kung sinu-sino ang labing limang myembro ng gabinete na makadadalo sa SONA ni Pangulong Duterte.

 

Pero kinumpirma ni Roque na isa siya sa 15 cabinet members na personal na magtungo sa Batasan.

 

Binanggit pa ng Palace spokesman na aasahang ilalahad ni Pangulong Duterte ang pandemic recovery roadmap sa isasagawang Fifth State of the Nation Address (SONA).

 

Mahigpit na quarantine protocols sa loob ng Batasan Complex

 

Mas mahigpit ngayon ang seguridad na ipinatutupad sa loob ng Batasan Complex kung saan gaganapin ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa katunayan, isasailalim na sa lockdown simula ngayon araw ng Biyernes ang buong Batasang Pambansa.

 

Ayon kay House SGT. at Arms Ret. PNP deputy director Gen. Ramon Apolinario, ito ay para bigyang panahon ang security forces at utility personnel na linisin at ma-disinfect ang gusali partikular na sa session hall ng Kamara.

 

May isa namang gusali sa Kamara ang magsisilbing coordinating committee para sa AFP, PNP, Intelligence, MMDA at security personnel ng Mababang Kapulungan.

 

Mayroong 500 security personnel at dagdag na 100 hanggang 150 na Presidential Security Group o PSG ang magbabantay sa loob ng compound.

 

Nakipag-ugnayan na rin ang Kongreso sa mga kalapit na ospital sakali mang magkaroon ng emergency.

 

Kaugnay nito, sinabi ni House Secretary General Jose Luis Montales na  walang welcoming committee na sasalubong at kakamay sa pangulo sa pagdating nito sa Lunes bilang pagsunod sa health protocols.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.