Pang. Duterte, nilagdaan na ang batas para sa paglaban ng gobyerno sa COVID-19

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan ng maging batas ang “Bayanihan to Heal As One Act” na nagbibigay sa kaniya ng karagdagang kapangyarihan para mapaigting ang paglaban ng gobyerno sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Isinagawa ang pagpirma ng pangulo kagabi matapos ang kaniyang isang oras na national address.

Una nang naipasa ng Senado at Kamara ang nasabing “Bayanihan to Heal As One Act” noong Lunes ng gabi.

Posted by SMNI News on Tuesday, 24 March 2020

Sa ilalim ng batas, magbibigay ang Kongreso ng dagdag kapangyarihan kay Pangulong Duterte para mai-re-align ang budget upang magamit sa paglaban sa COVID-19.

Kabilang dito ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga health workers na nahawahan ng virus sa pagganap sa kanilang tungkulin at ang pagbibigay ng P5,000-P8,000 na cash assistance sa 18,000,000 pamilya na low income earners kada buwan sa loob ng dalawang buwan sakaling magtuloy-tuloy ang krisis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.