Pang. Duterte, tiwalang magiging COVID-19 free na ang Pilipinas sa Disyembre

Pang. Duterte, tiwalang magiging COVID-19 free na ang Pilipinas sa Disyembre

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging masaya ang pasko ng mga Pilipino dahil magiging COVID-19 free na ang bansa dahil sa bakuna.

Sa kanyang public address kagabi, sinabi ng Pangulo na mai-enjoy na rin ng mga Pilipino ang kapaskuhan.

“By December, in fullness of God’s time, we will have hopefully a COVID free December and we can enjoy the Christmas season.” -Pangulong Rodrigo Duterte

 

Ayon sa Pangulo sa buwan ng Setyembre o Oktubre ay handa nang i-distribute ang nasabing gamot laban sa COVID sa buong mundo na gagamitin naman muna sa clinical trial sa Pilipinas.

“Pero malapit na po ang vaccine. They are to be distributed worldwide by September or October.” -Pangulong Rodrigo Duterte

 

Aniya, sinabi ni Russia President Vladimir Putin na libreng ibibigay sa Pilipinas ang bakuna.

“Maligayang-maligaya ako kasi itong Russia. Kaibigan natin ito, wala tayong away sa Russia. Magbigay sila ng bakuna. Wala naman sinabi na bayaran mo. Ito tingin ko kay President Putin, tulong niya sa atin. Tinanggap natin.” -Pangulon g Rodrigo Duterte

Metro Deals

Dagdag pa ng Pangulo na handa siyang manguna na magpabakuna ng gamot kontra COVID-19.

Giit ng Pangulo, sa harap ng publiko ay magpapabakuna aniya siya.

Ang katuwiran ng Pangulo, malaki ang tiwala niya kay Pres. Putin, malaki ang tiwala niya sa ginawang pag-aaral ng Russia sa gamot laban sa COVID at ang vaccine aniya ay ‘good for humanity.’

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na okay lang sa kanya kung ang doktor sa Pilipinas o magpatawag pa ng Russian doctor para siyang magbakuna sa kanya ng gamot laban sa COVID.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.