Pang. Duterte, walang malalang karamdaman —Malacañang

Pang. Duterte, walang malalang karamdaman —Malacañang

WALANG malalang karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang paglilinaw ng Malacañang matapos sabihin ng Pangulo na pinapayuhan siya ng doktor na iwasan na ang pag-iinom dahil malapit na umano sa stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett’s disease.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nanatiling fit at health ang Presidente sa kabila ng kanyang edad.

Paliwanag pa ni Roque, hindi na bago ang naging payo ng doktor sa pangulo dahil sinabi ito sa kanya noong hindi pa siya presidente ng bansa.

Muli ring nanindigan si Roque na walang dahilan para maglabas ng medical bulletin ang Palasyo patungkol sa estado ng kalusugan ng Pangulo dahil wala naman itong malalang kondisyon.

Pagbabantay sa seguridad ng pangulo, lalo pang pinaigting

Samantala, lalo pang pinaigting ng Presidential Security Group ang pag-iingat sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito nang naging pagsabog sa Jolo, Sulu nitong Lunes na ikinasawi ng 15 katao.

Ayon kay PSG Commander Jesus Durante, sa ngayon ay wala naman silang namo-monitor na seryosong security threat sa Pangulo.

Gayunman, tiniyak ni Durante na 24/7 ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa Pangulo, hindi lang dahil sa banta ng terorismo, kundi bilang proteksyon na din dito kontra COVID-19.

Ani Durante, nagpatupad na sila ng 360 degree protection sa pangulo maging sa pamilya nito.

Siniguro rin ng PSG commander na nasa ligtas at maayos na kondisyon at kalusugan ang Presidente na nasa Davao.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.