Pang. Marcos at VP Duterte, dinaluhanan ang programa para sa pagdedeklara sa Davao bilang ‘insurgency-free region’

Pang. Marcos at VP Duterte, dinaluhanan ang programa para sa pagdedeklara sa Davao bilang ‘insurgency-free region’

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ang programa para sa pagdedeklara sa rehiyon ng Davao bilang ‘insurgency-free region’.

Nagkaroon din ng relaunching sa nasabing rehiyon bilang tourism at investment-ready destination.

Kamakailan lang, opisyal na idineklara ng mga miyembro ng Regional Peace and Order Council – Davao (RPOC-11) ang nabanggit na rehiyon bilang ‘insurgency-free’ nang binuwag ang mga labi ng mga komunistang New People’s Army (NPA) sa lugar.

Sa pamamagitan ito ng serye ng matagumpay na mga hakbangin para sa kapayapaan at kaayusan.

Kasunod ng Regions I at IX, ang Davao Region ang ikatlong rehiyon sa bansa na idineklara bilang insurgency-free.

Follow SMNI News on Twitter