Pangako ng EDSA Revolution, nasaan na? — Sec. Panelo

Pangako ng EDSA Revolution, nasaan na? — Sec. Panelo

MARIING sinabi ni senatorial candidate Secretary Salvador Panelo na noon pa mang taong 1987 ay marami sa mga pangako ng nangyaring EDSA Revolution ang hindi naman naisakatuparan.

Ito aniya ay sa kabila ng pagsisikap ng kasalukuyang pangulo ng bansa na si Presidente Rodrigo Roa Duterte na magkaroon ng reporma sa ating bansa sa nakaraang anim na taon.

“As early as 1987, I’ve said that EDSA was the revolution that never was because its promises were mostly unfulfilled, and remain so 36 years in, despite the valiant efforts of President Duterte in effecting reforms the last 6 years,” pahayag ni Panelo.

Paliwanag ni Panelo, imbes na magsagawa ng selebrasyon bilang paggunita sa EDSA Revolution ay dapat na ito ay maging paalala sa atin na ang tunay na rebolusyon ay higit pa sa pagpapalit ng liderato o namumuno sa bansa at ng popular rhetoric.

“Instead of celebrating it, we should use EDSA as a poignant reminder that a true revolution requires more than a change in leadership and popular rhetoric,” ani Panelo.

Dagdag pa ni Panelo na kailangan ng bansa ng isang lider na  magpapatuloy ng magagandang nasimulan ng kasalukuyang administrasyon, may taglay na lakas, talino, may dedikasyon at may sistemang political.

Naniniwala rin si Panelo na matatamo lamang ito kapag mayroong internal at spiritual transformation ang bawat mamamayan.

“We need a steady stream of strong, wise, and dedicated leaders; an educated, disciplined, nationalistic citizenry; and a political system that ensures both. It’s been my long standing belief that this requires an internal and spiritual transformation from each one of us,” ayon pa kay Panelo.

Saad pa ni Panelo na klaro aniyang hindi ito natugunan ng nangyaring EDSA Revolution at ang matapang na lider gaya ni Pangulong Duterte ay kaya itong gawin na hindi kailangang baguhin ang mamamayan at sistema.

Sa huli sinabi ng senatorial aspirant na ilang anibersaryo pa ang kailangan nating idaos upang matamo ang tunay na rebolusyon.

“It is unmistakable that EDSA failed to deliver this, and strong leaders like PRRD can only do so much without the necessary changes in the citizenry and system. How many more EDSA anniversaries do we need to ‘celebrate’ before we start a real revolution?” aniya pa.

Follow SMNI News on Twitter