INILABAS na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang listahan para sa magiging pangalan ng mga bagyo sa Pilipinas ngayong 2025.
Ang mga ito ay:
Auring, Bising, Crising, Dante, Emong, Fabian, Gorio, Huaning, Isang, Jacinto, Kiko, Lannie, Mirasol, Nando, Opong, Paolo, Quedan, Ramil, Salome, Tino, Uwan, Verbena, Wilma, Yasmin, at Zoraida.
Sakali mang lalagpas sa 25 ang magiging bagyo ngayong taon, narito ang mga idadagdag na pangalan:
- Alamid, Bruno, Conching, Dolor, Ernie, Florante, Gerardo, Hernan, Isko at Jerome
At, ngayong Enero ng taong 2025 ayon sa PAGASA, posibleng may isang bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Maaaring tatama ito sa Silangan o Gitnang Visayas maging sa hilagang-silangan ng Mindanao kapag ganitong buwan papasok sa PAR ang sama ng panahon.