Pangalawang Amerikano, patay sa pakikipaglaban sa Ukraine combat

Pangalawang Amerikano, patay sa pakikipaglaban sa Ukraine combat

KINUMPIRMA ng US State Department ang pagkamatay ng pangalawang Amerikano na pinaslang sa Ukraine, na nakipagsagupaan sa digmaan.

Ang napatay na Amerikano ay kinilalang si Stephen Zabielski, 52 taong gulang ng Hernando, Florida.

Nalaman ang kanyang pagkamatay sa pamamagitan ng isang obituary na inilathala sa The Recorder, na naglalarawan sa kanyang buhay bilang isang taong “Lubos na nabuhay nang masaya.” Iniwan niya ang kanyang asawa at limang mga anak.

Ang unang kilalang Amerikanong napatay sa labanan noong Pebrero ay ang beterano ng Marine Corps na si Willy Cancel na napatay noong Abril na nakikipaglaban kasama ang mga pwersang Ukrainian, siya ay bahagi ng isang pribadong kumpanya na naka-kontrata sa militar.

Samantala, 2 boluntaryong Amerikano na lumalaban para sa Ukraine, ay nawawala mula noong Hunyo 9, at sinasabing nahuli at dinala sa detensyon ng mga separatistang suportado ng Russia sa Donetsk, ayon sa Russian state media.

Kinilala sila na sina Alexander John-Robert Drueke – 39, mula sa Tuscaloosa Alabama, at Andy Tai Ngoc Huynh, mula sa Hartselle Alabama, na nakipaglaban kasama ng mga pwersang Ukrainian.

Samantala, patuloy na pinagbabawal ng Estados Unidos ang mga Amerikano na maglakbay sa Ukraine sa ngayon dahil sa patuloy na digmaan.

Ang ilang mamamayan ng Estados Unidos ay ilan lamang sa maraming mga dayuhan na nagboluntaryo na tumulong sa Ukraine na labanan ang militar ng Russia.

Follow SMNI NEWS in Twitter