TAPOS na ang pangalawang autopsy sa katawan ni Jun Villamor, ang nasawing Bilibid inmate na umano’y middleman sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, nakatakdang maglabas ng written report ukol dito si Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun sa Biyernes, Oktubre 28, 2022.
Dahil dito, umapela si Remulla sa media na huwag munang gambalain si Dr. Fortun hanggang hindi pa nito naisusumite ang written autopsy report.
Inaasahan naman na haharap sa media si Remulla sa Biyernes.
Matatandaang sa unang autopsy na isinagawa ng National Bureau of Investigation ay walang nakitang external physical injury kay Villamor.