BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. ang pangangailangan na i-update at i-digitalize ang mga proseso at sistemang mayroon sa sektor ng agrikultura.
Ito ay sa gitna ng ginanap na pulong ni Pangulong Marcos kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) na may kinalaman sa agri sector.
Sa naturang meeting, sang-ayon si Pangulong Marcos sa digitalisasyon at sa paggamit ng digital farmer registry gayundin sa pagkakaroon ng digital food balance sheet (FBS).
Umaasa naman si Pangulong Marcos na magdudulot ito ng positibong pagbabago sa sektor ng agrikultura.