MAS ipinaprayoridad sa water allocation ang pangangailangan ng mga tao kumpara sa ibibigay para sa irigasyon sa gitna ngayong El Niño.
Hakbang ito sakaling bumaba nang lubusan ang lebel ng tubig sa Angat Dam ayon kay Richard Orendain ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Flood Forecasting and Warning Services- Hydro-Meteorology Division.
Nasa 212 meters ang normal water level subalit ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang minimum operating level o critical level ng Angat Dam ay 180 meters.
Samantala, sa nakaraang El Niño noong taong 2010, umabot lang sa 157 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ang Angat Dam ay nagsusuplay ng 98% ng tubig sa Metro Manila.