Pangangalaga sa kalusugan, ipinaalala ni Sen. Go sa publiko

Pangangalaga sa kalusugan, ipinaalala ni Sen. Go sa publiko

NANAWAGAN ngayon si Sen. Bong Go sa publiko na huwag lang basta umasa sa mga benepisyo, ayuda, at iba pang tulong mula sa gobyerno.

Sa halip aniya, tiyaking malayo ang sariling katawan sa sakit.

Aniya, responsibilidad ng bawat isa na alagaan ang sarili pati na ang mga mahal sa buhay.

Kabilang dito ang pag-iwas na lumusong sa baha hangga’t maaari at pagbabawal sa mga kabataan na i-tratong swimming pool ang mataas na lebel ng baha.

Kasabay rin ito ng patuloy na panawagan niya sa PhilHealth na bilisan na ang pagpapatupad ng mas magandang benefit packages para sa mga may sakit lalong-lalo na ngayong panahon ng bagyo at baha.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble