INIHAYAG ni Vaccine Expert Panel Chairperson Dr. Nina Gloriani na hindi pa tiyak ang panganib na dala ng mga bagong natutuklasang Omicron subvariants.
Kamakailan ay natuklasan ang BQ. 1.1 na nagmula sa Canada.
Ayon kay Gloriani, wala pang sapat na ebidensya para sabihin na nakakapagdala ito ng mas malalang sakit o kondisyon sa tao.
Sinabi naman nito, dahil patuloy ang transmission ay patuloy ang mutation ng virus.
Dahil dito hindi aniya agad na mawawala sa circulation sa bansa at maging sa buong mundo ang virus.