Pangasinan, nananatili pa ring insurgency-free—Militar

Pangasinan, nananatili pa ring insurgency-free—Militar

NANANATILI pa rin sa insurgency-free status ang lalawigan ng Pangasinan na kilala bilang pinakamalaking probinsiya ng Ilocos Region.

Ito ang matapos muling kumpirmahin ni Lt. Col. Michael Bautista, commanding officer ng 71st Infantry Battalion Philippine Army sa katatapos lang na joint meeting ng Provincial Development, Provincial Peace and Order, and Provincial Anti-Drug Abuse Councils nitong nakaraang linggo.

‌Ani Bautista, ikinatutuwa nila ang pagiging consistent ng lalawigan simula noong 2018 kung saan walang naitalang anumang insurgency-related incident.

Ibig sabihin ani Bautista, tuluyan nang kinalimutan ng mga residente ng probinsiya ang impluwensiya ng CPP-NPA sa lugar at mas pinili ang magsimula ng bagong kabanata na maayos at mapayapa.

Follow SMNI NEWS in Twitter