HINDI nagtatago dahil may kasalanan kundi dahil may banta ang kaniyang buhay.
Ito ay muling binigyang-diin ng panel sa pinakabagong press conference ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nitong Huwebes kaugnay sa sitwasyon ngayon ni Pastor Apollo C. Quiboloy at ng KOJC.
Para kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ng KOJC, wala na siyang nakikitang dahilan kung bakit aniya tila mayroong espesyal na atensiyon ang Marcos administration kay Pastor Apollo kundi ang political persecution.
“The special attention really being given by the Marcos administration in so far as the campaign of vilification against Pastor Apollo C. Quiboloy really implied that this is political persecution because this is no other explanation other than the fact that there is really this unnecessary and much attention being so much employed as against Pastor Apollo C. Quiboloy,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.
Aniya, isa na nga sa matibay na ebidensiya nito ay ang nangyari noong June 10, 2024 sa ginawang sabay-sabay na paglusob ng pinagsanib na puwersa ng PNP-SAF at CIDG na naka-full battle gear sa mga KOJC religious compound nang walang search warrants.
“The June 10 attack is a clear manifestation of that much attention and excessive force was adopted and was employed for what? For the arrest of a person whose motion for reconsideration is still pending before the Department of Justice and the sheer number of armed personnel which were dedicated vis a vis the supposed arrest of Pastor Apollo C. Quiboloy would make anyone think that he is the number 1 terrorist in the Republic of the Philippines,” dagdag pa ni Atty. Torreon.
Marcos Jr., ginagamit ng Amerika vs Pastor at KOJC—Jay Sonza
Sa nakalipas na presscon, inilahad ng beteranong broadcaster na si Jay Sonza ang nakikita niyang dahilan kung bakit ginigipit si Pastor Apollo ng administrasyong Marcos kasama na ang Amerika.
“Dati-dati sikat sa Amerika ang mga Protestant Movement. Eh sumikat ang Kingdom. Halos lahat ng Amerika may branch na ‘yung, may Kingdom Nation na. So, ‘yung raket ng mga Amerikano sa mga simbahan nila, nasira. Hindi alam ng marami ‘yung mga simba-simbahan sa Amerika, ‘yun ‘yung number 1 contributor ng CIA.”
“Kaya syempre sasama ‘yung loob nila. Pinag-usapan namin ni Pastor ito mga 2 years bago pa mag pandemic. Ngayon, nakakita naman ‘yung Amerika, bagong president may atraso sa kanila. Dapat makulong siya kasi hindi siya nagbabayad ng 353-M dollars ‘yung contempt na multa.”
“Pangalawa, nakaipit ‘yung kanilang kayamanan sa Amerika na mahigit 10-B dollars. So, sa isip ng Amerika, gamitin natin ito, itong mamang ito. Oh ‘yun nga nagpagamit ang kapalit gusto nila ‘yung ulo ni ano ni Pastor Quiboloy. Ngayon bakit deni-demonize? Kasi nagtataka sila, dati labinlima lang ‘yung miyembro ni Pastor Quiboloy ngayon pitong milyon na. ‘Pag hindi natin ginawang demonyo si Quiboloy, baka mag doble pa ‘yung bilang. So, ‘yan ang aking tingin dito,” paliwanag ni Jay Sonza, Political Commentator.
Samantala, ayon kay Atty. Dinah Tolentino-Fuentes, legal counsel din ng KOJC, posible talagang mangyari ang pangamba ni Pastor Apollo na siya’y patayin ng mga Amerikano o ninumang kasabwat ng mga ito. Bagay na naihahalintulad sa sitwasyon ni dating US President Donald Trump matapos itong tangkaing patayin kamakailan.
“Pastor Quiboloy has already said this repeatedly. He is the target of an extraordinary rendition. Not just rendition but perhaps, extermination also. So, again this is what they have been trying to do to presidential candidate Donald Trump, di ba? His ear, I think, was grazed by a bullet. And this is what again perhaps, if Pastor Quiboloy has shown himself, perhaps this is what would have happened to Pastor Quiboloy,” ayon kay Atty. Dinah Tolentino-Fuentes, Legal Counsel, KOJC.
Cancel-convict-kill” tactics, ginagamit vs Pastor ACQ—KOJC minister
Hinimay naman ni Bro. Carlo Catiil, resident minister ng KOJC, ang kanilang obserbasyon sa umano’y playbook laban kay Pastor Apollo.
“Ito po talaga ‘yung ginagawa nila ngayon, they will really cancel you, they will really destroy your reputation sa pamamagitan po ng character assassination na hindi pa po na-convict ay paulit-ulit po, rapist, human trafficking, child abuse, sex ring. Paulit ulit po ‘yan nakikita niyo naman po. Then after that po, ife-freeze ‘yung mga asset and properties. Then papasok na po sila sa tinatawag po natin na rendition at assassination at liquidation,” diin ni Bro. Carlo Catiil, Resident Minister, KOJC.
Matatandaang sa ilalim ng Marcos administration, sa loob ng halos isang taon ay kumilos agad ang Senado, Kongreso, DOJ, DILG, PNP at iba pang government agency upang arestuhin lamang si Pastor Apollo.
Bongbong Marcos Jr., ibinebenta ang kapwa Pilipino sa mga Amerikano—Badoy
Ayon naman sa dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC at ngayo’y anchor ng SMNI- Dr. Lorraine Badoy, hindi mangyayari ang ganitong uri ng panggigipit kay Pastor sa ilalim ng nakaraang administrasyon na aniya’y tunay na pangulo, hindi tulad ni Bongbong Marcos Jr.
“Itong president na nakaupo na ito, pinapayagan niya, nilalapa niya, pinapalapa niya tayo sa mga Amerikano, sa mga dayuhan, sa sarili nating bansa, sa sariling mga bahay natin, like this sacred ground, diyan tayo tinatakot, di ba?”
“But under a real president, hindi mangyayari ‘yan. Napakasakit ng naramdaman natin, ng na-experience natin, ang puso ng isang totoong pangulo na talagang mahal tayo at dinedepensahan tayo. At ngayon, lumagapak pa tayo dito sa isang pangulo na ibinibigay tayo, para tayong sacrificial lamb na ibinibigay tayo sa mga dayuhan pa,” ayon kay Dr. Lorraine Badoy, Anchor, SMNI.
Samantala, patuloy na iginigiit naman ng KOJC na hindi nila alam kung nasaan si Pastor Apollo ngayon. Gayunpaman magpapatuloy anila silang magdedepensa sa kanilang mga ari-arian na plano umanong kamkamin ng gobyerno. Kaya nananawagan na rin sila na tigilan na ng gobyerno ang patuloy na pagpapadala ng mga umaaligid sa mga religious compound maging pagpapalipad ng mga drones araw at gabi sa mga lugar na ito.