‘Panggigipit’ ni Hontiveros vs kay Pastor ACQ, kinondena sa pamamagitan ng isang noise barrage sa labas ng Senado

‘Panggigipit’ ni Hontiveros vs kay Pastor ACQ, kinondena sa pamamagitan ng isang noise barrage sa labas ng Senado

HINDI pa nagbubukas ang Senate building sa Pasay City, nitong umaga ng Martes, Marso 5, 2024, nag-ingay na ang libu-libong taga-suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa labas ng Senado.

Kasunod ito ng matagumpay na Kapangyarihan at Kalayaaan Ibalik sa Taong-Bayan (KAKISAB) Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Lunes, Marso 4, 2024.

Ayon kay Carlo Catiil, na ang nasabing noise barrage at rally ay pagkondena nila ito sa panggigipit ni Hontiveros laban kay Pastor Apollo.

“Ito ay pagkilos po namin, ito ay pagpapakita na gusto naming ipahinto ang pang-aabuso, na ginagawang pang-aapak sa karapatang pantao ni Pastor Apollo C. Quiboloy. Ito si Senator Hontiveros, nagtatanong kung dadalo ba si Pastor Apollo C. Quiboloy. Paano po dadalo, eh hinukuman niyo na po diyan sa inyong Senate hearing. Ang panawagan namin sa matagal na panahon, dalhin niyo po sa korte. ‘Yun po ang tamang hukuman,” ayon kay Carlo Catiil, Minister, Kingdom of Jesus Christ.

Dagdag pa ni Catiil, na ginagawa lamang ni Hontiveros ito laban kay Pastor Apollo hindi dahil sa aid of legislation kundi dahil sa aid of election.

“Nagpapabango po kayo Senator Hontiveros. Ito, ‘yung mga false witnesses ninyo mabilang lang po iyan sa aming mga daliri. Itong lahat hindi po ito bayad. Itong lahat hindi po nakamaskara. Hindi po nakatakaip ang mukha, wala pong alyases, wala pong script. Galing po sa puso namin kasi alam namin ang aming tinatayuan. Puro po ito katotohanan,” dagdag pa ni Catiil.

Nakiisa rin sa rally ang ilang personalidad para ipahayag ang kanilang suporta sa butihing Pastor kabilang ang beteranong journalist na si Jay Sonza at ang mga anchor ng Laban Kasama ang Bayan na sina Dr. Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz.

Payo ni Sonza kay Hontiveros, na dapat na aniyang tigilan ang kaniyang ginagawa laban kay Pastor Apollo.

“Kay Senator Hontiveros, tigilan niya na ito. Wala na. The DOJ has taken already the case already. Sinasabi ng DOJ, kami na. Trabaho talaga iyan ng DOJ. hindi trabaho ng mambabatas. Tama na iyang pasikat. Kung ano man iyang balak mo, walang katuturan,” ani Jay Sonza, Beteranong Journalist.

“Risa, don’t be stupid. You’ve done a lot of stupid things.  Huwag mo nang ituloy, nakakahiya na,” dagdag pa nito.

Para naman kay Badoy, hinikayat niya ang taumbayan na tumindig, igiiit ang kanilang mga karapatan, at huwag mag-paapi sa mga mapang-abusong opisyal ng gobyerno.

“Kung kaya ito gawin kay Pastor na very well-loved, very well-known, powerful person in his own right, anong tingin ninyo sa ating lahat? Sa ating lahat, kayang-kaya tayong gipitin ni Risa Hontiveros,” ayon naman kay Dr. Lorraine Badoy, Anchor, Laban Kasama ang Bayan, SMNI.

“Kung kayo nanonood lang kayo diyan at tingin ninyo hindi ito tungkol sa inyo, dadating ang araw na ang isang mapang-abusong isang Risa Hontiveros ay gagawin din sa inyo ito kung kayo ay tatahimik. At ito ba ang bansa na gusto nating ibigay sa ating mga anak?” dagdag pa ni Badoy.

Kinondena rin ng mga kaanak ni Pastor Apollo ang Senate hearing ni Hontiveros laban sa butihing Pastor.

“Kasinungalingan po lahat ng sinasabi nila sa ating mahal na Pastor. Kilala ko po ang aking uncle dahil lumaki po kami sa kaniya. Siya po ang nagpayo sa amin kung paano po tumayo at sumunod sa katotohanan. Naririto po kami upang ipaglaban namin ang katotohanan na ang lahat ng akusasyon laban sa aking uncle ay wala pong katotohanan,” giit ni Adonai Quiboloy, Pamangkin ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

May hamon naman ang kaanak ni Pastor Apollo kay Hontiveros.

“Kayo po ay manalangin na at kung pu-puwede po sumanib kayo dito sa amin upang magkaroon kayo ng enlightenment,” dagdag ni Adonai.

 “Ang aming Pastor ay walang ginawang kamalian. Bagkus pinakalat po niya ang kabutihan,” dagdag pa nito.

Hindi rin pinalagpas ng mga dating bahagi ng ministry ni Pastor Quiboloy ang pagkakataon na makiisa sa ginagawang noise barrage sa harap ng Senate Building para pabulaanan ang mga akusasyon laban sa butihing pastor.

“Hinding-hindi po makatarungan ang ginawa ni Senator Risa Hontiveros dahil bias ang hearing na iyan. Ang tawag naming sa hearing na iyan ay hearing of chismis dahil walang ebidensiya. Bias-bias ang hearing na iyan dahil ang pinagsasalita ni Sen. Risa Hontiveros ay kaniyang mga ex worker lang na nagsasalita ng kasinungalingan,” giit naman ni Gerwin Panulde na dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

“Iisa lang po ang layunin ng mga dating worker ni Pastor ang pasinungalingan ang lahat ng mga false accusation, allegation against our beloved Pastor, Pastor Apollo C. Quiboloy. Walang katotohanan ang mga sinasabi nila. Kaya ang hinihingi rin namin, kami rin ay imbitahin na umupo sa Senado upang kami rin ay makapahayag ng katotohanan,” ayon naman kay Rose Gastilo na dati ring miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

Samantala, patuloy ang isasagawang mga rally sa mga susunod na araw hanggang sa makamit ang hustisya para kay Pastor Apollo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble