Panggigipit umano ng mobile app operator sa delivery riders, iniimbestigahan na

Panggigipit umano ng mobile app operator sa delivery riders, iniimbestigahan na

NAKARATING na kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang  napabalitang nakararanas ng panggigipit ang mga delivery riders sa mobile app operators na Food Panda.

Ayon sa kalihim, nagsasagawa na inspection doon sa Davao City  ang kagawaran.

Ipinag-utos ni Bello kay Undersecretary , Ana C. Dione, CESO III ng DOLE’s  Regional Operations ng Labor Standards and Special Concerns Cluster ang pagsasagawa ng inspection laban sa pamunuan ng food delivery app na Food Panda at alamin ang sitwasyon doon.

Ito ay matapos mapabalita na sinuspinde nito ang hindi bababa sa 500 accredited riders sa Davao City matapos sumali  sa isang unity ride para sa mga kasamahan nilang rider na nauna nang sinuspinde ng Food Panda at inalisan ng access sa mobile app sa loob ng 10 taon.

Paliwanag ng kalihim ito kasi ay bagong concept ng employment at apat ang parties involved, kabilang na dito ang customer, pinanggalingan ng pagkain o restaurant ,ika tatlong ang delivery rider at ang mismong kumpanya ng Food Panda

Dagdag ni Bello sakaling lumabas na ang resulta sa naturang  inspection ay agad sila maglalabas ng advisory upang mabigyan ng gabay ang mga employer at mga manggagawa sa naturang isyu.

Matatandaan nang nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa DOLE na agad imbestigahan at aksyunan ang mga napabalitang insidente ng “labor abuse” laban sa ilang food delivery riders sa bansa.

Nitong nakalipas na linggo umabot sa halos 300 Food Panda riders ang nagsagawa ng protesta sa Roxas Avenue, Davao City.

Dahil dito umabot sa 70 rider ang sinuspende ng Food Panda  kung saan tumagal ang suspensyon ng 10 taon.

Una nang naibalita na umaray ang mga rider dahil mula P75 average na kita kada delivery noong 2019, ay naging P28 na lamang ito ngayon.

Bukod pa rito, inireklamo din ang binabawas na P280 kada buwan para sa insurance, ngunit hindi naman umano ito nagamit ng isang rider na naaksidente.

Kasalukuyang wala pang naiulat na dumating na ang resulta ng inspection ng DOLE sa Food Panda.

BASAHIN: DOLE, hinimok na imbestigahan ang pang-aabuso sa mga food delivery riders

SMNI NEWS