Pangingialam ng US sa Manila Bay reclamation, wala sa lugar—Sen. Chiz

Pangingialam ng US sa Manila Bay reclamation, wala sa lugar—Sen. Chiz

PINALAGAN ni Senator Chiz Escudero ang ginagawang pangingialam ng Unites States Embassy sa Reclamation Project sa Manila Bay.

“Una, walang pakialam ang America sa ating bansa. Porke ba blinaklist nila iba-black list na rin natin automatic? May ganung treaty ba tayo sa America?” ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Pinaalalahanan ni Sen. Escudero ang gobyerno na huwag magpa-pressure sa US Embassy kaugnay sa Reclamation Project sa Manila Bay.

Una nang naghayag ng pagkabahala ang US Embassy sa Manila Bay Reclamation Project dahil sa anila blacklisted sa US ang kompanyang nagsasagawa ng reclamation operation dahil sa pandaraya.

Pero sabi ng senador, hindi tamang utusan ng US ang Pilipinas dahil lamang sa paniniwalang ang contractor ng naturang proyekto ay sangkot sa pandaraya.

Kinuwestiyon din niya kung saan nangyari ang pandaraya at sino ang maysabi nito.

“Baliktarin natin, ‘yung mga binablacklist natin na mga kompanya ng Amerika, iba blacklist rin ba nila?… Naniniwala akong wala sila sa lugar na i-blakclist ang ating bansa.”

 “Kung involve sa fraudulent practices sir? , Saan? Saan? Saan ginawa? Sa America or dito. Mayroon na bang ganung findings ang Pinas or CIA ng America ang gumawa ‘nun?” dagdag ni Sen. Escudero.

Ang isang bahagi ng Reclamation Project ay malapit sa embahada ng US.

Sinabi ng embahada na ang China Communications Construction Co. (CCCC) ay tumulong sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla sa South China Sea na ginawang mga outpost ng mga Tsino.

Ayon sa senador, sa kabila ng concern ng US ay dapat dumaan ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagbibigay ng approval sa Reclamation Project sa Manila Bay.

“Ang reclamation na ginagawa sa Manila Bay is under the DENR…Na hindi naman kontraktor ng gobyerno?” ani Escudero.

Ayon sa tagapagsalita ng US Embassy na sila ay nababahala lamang tungkol sa mga potensiyal na pangmatagalan na negatibo at hindi maibabalik na mga epekto sa kapaligiran, at maging sa komersiyo.

DENR maglalabas ng rekomendasyon kaugnay sa Manila Bay reclamation

Kaugnay nito ay inihayag naman ng DENR na maglalabas sila ng rekomendasyon na posibleng magpatigil sa reclamation sa buong Manila Bay.

Pero ang rekomendasyon ay hindi batay sa babala o reklamo ng US.

Araw ng Huwebes ay pinaalalahanan ni Sen. Escudero ang gobyerno na huwag magpa- pressure sa US Embassy kaugnay sa nirereklamo nitong reklamasyon sa Manila Bay.

Ayon kay DENR Secretary Antonia Loyzaga-Yulo ang rekomendasyon ay ibabatay sa isang nagpapatuloy, masusi at malawakang pag-aaral o assessment sa kasalukuyang kondisyon ng Manila Bay, kabilang na ang mga Reclamation Projects, komunidad, at industriya na nakapaloob dito.

“The communities’ impact assessment is a scientific process and that was somehow already jumpstarted by the former what is now the former…what is now the currently known as the Manila Bay Sustainable Development Master Plan na hindi pa tapos just to give you an idea ano? So it started in the previous administration hindi pa nafi-finalize,” ayon kay Sec. Antonia Loyzaga-Yulo, DENR.

Kasama na rin sa nasabing assessment  ang pag-aaral sa mga siyudad na nakapalibot sa Manila Bay, na siguradong maapektuhan sa mga nagpapatuloy na reclamation activities.

“Just like the one in Las Piñas, nagbigay ng ECC sa tabi ng Las Piñas Parañaque Wetland Park eh we are entitled to a buffer zone when you are a legislated protected area.”

“So I have to make sure that that buffer zone is honored, otherwise it will destroy the Las Piñas Parañaque Wetland Park at may apat na river kami na lumalabas doon saan lalabas ‘yung river namin kung tatabunan nila ‘yung dadaanan ng river so that is the question,” ayon kay Sen. Cynthia Villar.

Bukod pa rito ay sinabi rin ng kalihim na bubuo ang DENR ng grupo ng mga eksperto na tututok sa gagawing assessment sa Manila Bay.

Pero nilinaw ng kalihim na posibleng matagal pa matapos ang nasabing assessment kung kaya’t kinokonsodera din ng ahensiya na mapatigil muna ang mga reclamation activity habang hindi pa natatapos ang assessment.

“But this process can take sometimes so what we are saying here is that the concern really would be to see whether we could basically maybe halt, minimize activities muna hanggang matapos itong communities impact assessment,” ani Yulo.

Follow SMNI NEWS on Twitter